Cubao midnight express: Mga pusong nadiskaril sa mahabang riles ng pag-ibig

Tony Pérez

252 pages, Newsprint

ISBN: 971190165X

ISBN13:

Language: Filipino; Pilipino

Publish: January 1, 1994

Tags:

Bibihira ang manunulat na Filipino sa ating panahon na may galing at kaugmang estilo gaya ng ipinamalas ni Tony Perez sa Cubao Midnight Express. Tunay na tunay, buhay na buhay at totoong totoo ang Cubao sa librong ito; at ang mga taong gumagalaw, gumagala, nagmumuni at nagsasalita rito ay produkto ng sensibilidad na kahanga-hanga ang talas sa pagtatala at pagsasawika ng karanasan. Pero ang lalong kagila-gilalas ay ang lawak ng kanyang alam at ang lalim ng kanyang arok sa tema ng pag-ibig, na sa koleksyong ito ay tuwig, hungkag, baluktot, nakakahilakbot, kalunos-lunos ang pangungulila, at higit sa lahat, gumugurlis sa puso ng mambabasa at nagpapaahon sa mata ng mainit na luha ng pagdamay.

– Bienvenido Lumbera
Guro, Kritiko at Manunulat
UP Diliman

Leave a Review

Your email address will not be published. Required fields are marked *